About

Avisala! Maligayang pagdating mula sa daigdig ng mga Tulanghabi. Nagagalak akong narating mo ang ibayong ito ng internet upang makaulayaw ang mga akdang tila lipas na sa panahon, mga akdang tila nakalimutan, napagiwanan at tuluyang itinaboy ng hanging habagat sa dulo ng kawalan. Maaari mong iwika, oh kay daling kumatha ng akda. Maraming mahuhusay, mga pantas at iskolar ng sining at makata. Subalit tila baga kay hirap ipakita ang tunay na kulay ng puso sa bawat akda. Oh kay daling maging isang manunulat, ngunit kay hirap ilarawan ang tunay na kulay ng buhay o ang pait na patuloy na pumapatay sa pag-ibig na dapat sanay nabigyan ng pagkakataong yumabong at mamunga. Isa akong alagad ng panitik sa wikang Filipino. Hindi ako mahusay, ang lahat nang akdang inyong matatagpuan sa website na ito’y pawang mga bunga ng malantik na kumbinasyon ng aking imahinasyon at totoong mga pangyayari. Hala’t magsayang basahin ang bawat pangungusap at hayaang tangayin ng bagwis ng panitik ang iyong pagal na puso. Hala’t umindayog sa saliw ng mga salitang noon pa ma’y ninais nang bigkasin ng iyong mga labi subalit pipi sa katotohanan. Hayo’t maglibang!

 

Tulanghabi – Ang tulanghabi ay isang istilo ng pagsulat sa literaturang Filipino at Tagalog. Ang Tulanghabi ay isang malikhaing pagsulat ng isang sanaysay na kathang isip ngunit ang mga linya ay tulad ng makikita sa isang tula. Sa madaling salita, ang Tulanghabi ay isang istilo ng malikhaing pagsulat kung saan ang mga sangkap ng isang sanaysay at isang tula ay pinagsama upang makabuo ng isang mas makabagong pamamaraan ng pagsulat.

Ang Tulanghabi ay may layon na pagyamanin ang literaturang Pinoy at paunlarin ang mga pamamaraan ng malikhaing pagsulat sa wikang Tagalog. Isang natatanging kaibahan ng mga tulanghabi ay ang malalim at mala-tulang linya nito na nakaayos bilang isang sanaysay. Gayundin, ang tulanghabi ay dapat kilalanin sa paguuulit ulit nito ng mga linya, salita, o pangungusap upang maipadama o maipresenta ang layunin o ideya ng katha.

Halimbawa: “Upang makalimutan ka. Upang muli’t muli’y maalala ang sana’y dapat naburang alaala. Upang wag nang muling buhayin pa”

“Alin? Alin ang makatarungan? Alin ang dapat? Alin ang dapat sana’y nakamtan.”

Ang Tulanghabi ay isang makabagong pamamaraan ng malikhaing pagsulat na nilikha at ipinakilala sa buong mundo ni Renante Beron noong ika-29 ng Hulyo, taong 2008.

 

Disclaimer: All works of art presented in this website are intellectual properties of Renante Beron. All rights are reserved and no part of this weblog can be reproduced or transmitted in any form without the prior permission from the Author. This website is protected by copyright laws of the Republic of the Philippines and the United States of America.

If you want to use one of my posts, please send an e-mail to me at renante (dot) beron (at) yahoo.co.uk

10 thoughts on “About

  1. Yong tulang habi mo na sa pagkamalikhain ng iyong pag-iisip ay binihisan ang mga sinasabi nilang makalumang estilo ng panulat at pananalita ng ating mga ninuno lalo na sa mga Tagalog.

    Kapag binasa ng mga bagong sibol ay laging “nosebleed” ang kanilang nasasabi.

    Maganda ang iyong layunin. Umaasa akong tatagal pa itong iyong kampanya tungkol sa ating wika. Wikang naliligaw sa maamong lupa ng kayumanggi.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s