Palaso…payaso…

Minsan pang nilingon ang bahaghari. Hungkag. Walang kulay. Walang buhay.

Inipon ang bawat pighati sa hangin. Dinaluhong ng mga higanteng pilit wawasakin ang iyong tanggulan na buong buhay na pinanday ng bawat nakaraan, ng bawat pagtalikod sa isang masayang kinabukasan, ng alon, ng huni ng kuliglig sa gabing malaon ng tinakasan ng antok.

Pinilit na ikubli ang bawat patak ng ulan. Pinilit sanggahan ng marurupok na palad ang pagkalumbay na bakit hindi nga ba malunod ng isang batyang tubig alat na ninakaw sa pusod ng dagat. At itong pusong kahit noong una pa man ay tinakot na ng dagundong ng kulog ay ano’t hindi natinag. Isinabog ang pag-ibig mula sa kalangitan, umulan ng sanlaksang mga puso at palasong tatarak sa iyong kaibuturan ngunit bakit tila hindi tinablan. Minsan bakit hindi kayang malirip ang pagsintang sayo lamang inialay. Noon. Kahapon. Ngayon…

Marahil nga’y isa ka lamang panandaliang ngiti na saglit na pumawi sa dilim ng dapit-hapon sa kanyang buhay. Marahil hindi siya dapat narahuyo sa iyong mapang-akit na kagandahan. Marahil hindi ikaw ang itinakda. Marahil mas mainam na hindi ka na lamang nasumpungan sa gitna ng kanyang pagkawala sa lantay na sementadong gubat na lalapa sa kanyang kinabukasan. Marahil hindi ikaw iyon…

Ilang ulit mang paging-dapatin ng langit ay hindi na maibabalik. Ang pait na inani ay habangbuhay na nga bang kakambal ng pagkakataong lumigaya sa piling ng isang nakatakdang dumating sa hinaharap. Ngunit paano nga ba ang maghintay sa isang parating galing sa hinaharap kung ang hinaharap ay naglaho na. Sapagkat ikaw ang bukas. Sapagkat ikaw ang sa dako pa roon. Sapagkat ikaw ang lantay na bahagharing tulay sa pagdaloy ng mga ngiting kelan pa nga ba muling masisilayan.

Marahil nga’y may umagang naghihintay pagkatapos ng dilim ng gabi. Ngunit alin nga ba ang mas matuwid, ang paniwalain ang sariling puso sa hindi sinasadyang pagtalikod sa pangakong binitiwan o ang maghintay sa isang umagang hindi na kailanman sasapit pa.

Bakit may mga pusong hindi makasumpong ng daan. Saan may magsasabing ang buhay ay maikli lamang kaya’t nararapat na ito’y samantalahin at gawing makulay. Saan may tuwa? Pag-asa? Ligaya kasama ng mga anghel na bakit hindi magawang awitan ang pagdadalamhati dulot ng iyong paglisan. Saan may mga bisig na mahihimlayan ang pusong pagod sa mahabang paglalakbay ng dahil sa pagsisikap na mahanap ka. Sunduin ka. Iuwi ka. Angkinin ka. Kailan? Saan?

May hininga at buhay pa akong natitira. Subalit tila hindi ko batid kung paano pa gugulin ang natitirang mga araw bago mahingalay at tuluyang magawang maglaho sa lamig ng hangin sa gitna ng maputing nyebeng bakit hindi madama kahit hubad sa katotohanang sana’y kapiling ka.

At bukas. Pipilitin kong huwag nang lumingon pa sa bahaghari. Huwag nang balikan pa ang isang tulad mong naligaw isang araw sa aking landas. Nagpakita ng maraming kulay sa aking umaga. Ngunit mabilis ding naglaho pagkatapos ng ambon. Isang natural na pormang lumikha ng magandang tanawin ngunit hindi nakunan ng larawan.

Bukas muling sisikat ang araw. Wala man ang bahaghari…hindi iyon isang kabawasan…hindi iyon…hindi ikaw…

22 thoughts on “Palaso…payaso…

    • Hi Zells, sorry super late reply. Nakalimutan ko kase password ko dito. Anyway, sayang di ako umabot sa gusto mong topic. But try ko pa din gumawa ng ganyan for others who might need it. Salamat ah.

    • Hi John, marami pong salamat sa comment mo. Mejo di ako nakabalik dito sa site kase nakalimutan ko password ko dito pero now I’ll start to write again para may mabasa ulit kayo. Thanks so much bro!

    • Salamat Jovilyn, kung may talento ka sa pagsulat ng ganitong panitikan idevelop mo lang. Lagi kang magsulat. Ipost mo sa blog sa internet para mabasa ng mga tao. Para mahasa ang skill mo sa pagsusulat. Kanya kanyang hilig lang yan, kung hilig mo talaga ang magsulat walang dudang makakagawa ka ng ganito. Marami salamat po ulit.

  1. Ang galing ng mga salitang ginamit mo! Isa kang makata at mahusay na manunulat. Iyan ang kailangan sa kasalukuyan upang mapanatili ang pagkagiliw nating mga Pilipino sa ating sariling panitikan nang ang panitika’y hindi malimot ng sambayanang Pilipino.

    • Hi Gracelyn, I appreciate the compliment. Oo nga Ma’am kelangan talaga ng mga bagong makata para buhayin ang wikang Filipino kase unti-unti nang nawawala eh. Kaya ginagawa ko ang makakaya ko para buhayin kahit sa munti kong paraan. Maraming salamat po sa papuri at sana ay makabalik kayo ulit dito para mabasa nyo pa ang mga bago kong isusulat.

  2. nkakatuwa naman..mahusay… isang praan ko ng pag aalis ng pgod at lumbay ang mgbsa ng gantong uri ng literatura… tumtakas sa kamunduhan ng pgbibilang at pag-aanalisa, d ko naisip n sa pahina mo aq ddlhin ng browser q… nkakatuwa at nbasa q ang iyong gawa… paghusayan mo pa po ^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s