Unos

Hindi ko pa rin mapigil ang pagbuhos ng malakas na ulan. Ano’t sa kabila ng mga nagdaang bagyo ay hindi pa rin maiwaglit ng langit ang katampalasanang ginawa. Marahil ikaw ay isang pagsubok na hindi na kailanman mabubura kahit pa ilang milya ang lakbayin ng mga paang sabik sa paroroonan.

Minsan pinilit kong tapakan ang makahiya kahit ang talampaka’y nagdurugo sa tusok ng mga tinik nito. Minsan pinilit patayin ang pag-asang uusbong na may isang tulad mo na babalik at magsasabog ng makikinang na bituin. Minsan ninais kong sisirin ang kalaliman ng pag-iimbot na bakit hinding hindi lumisan sa aking nalulumbay na mundo. Minsan ginamit kong sandata ang pag-ibig na nabuo upang takasan ang masakit na katotohanang wala ka na at kahit ilang bukas pa ang dumating…kahit ilang araw pa ang sumikat sa umaga…kahit ilang takipsilim ang dumatal…ay wala ng aalo sa nangingilid na luhang walang karapatang pumatak.

Siguro’y mali ako. Siguro’y hindi ka nararapat sa akin, o ako man sa iyo. Siguro’y sadyang walang kislap ang nabuo nating lampara. Siguro’y sadyang hindi makayang liwanagan ang daan upang sa dako pa roon ay magbunga ng ligayang inaasam kahit noong wala ka pa. At ngayon nga’y wala ka na. Ano pa ba ang silbi ng paghahabi ng mga istoryang hindi mo naman mababasa. Ano pa ba ang kahulugan ng buhay kung sa huli’y magwawakas ding tulad ng mga punong natutuyo sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Ano pa ba ang dahilan at humihinga pa rin…

Hindi lang sa iyo natatapos ang kabanata ng buhay. Ang sabi ng mga pantas na magaling sa kanilang pagpapayo subalit wasak ang mga sariling buhay. Hindi lang ikaw ang marunong umibig sa mundo at marahil may ibang darating para sa bawat isa. Kung gayon ay isang kahangalan ang matutuhan ang tunay na kahulugan ng buhay sa pamamagitan ng isang taong hindi naman pala para sa iyo. Isang kalokohan ang maramdaman ang tunay na pag-ibig sa isang taong pagkatapos ng lahat ay lilisan at iiwanan ang kanyang buhay. Hindi nga ba’t minsan ay narinig kong sinabi mo iyon…

Naramdaman kong kay sarap tumawa sa mga panahong wala kang dahilan para gawin ito. Napatunayan kong kay sarap lumipad kapag ang isa mong bagwis ay may sugat na dulot ng huli mong pagkawala ng panimbang at tuluyang pagbagsak sa bangin ng kawalan. Naisip kong kaya ko palang mabuhay na walang tinapay at tubig kung may katalinuhang taglay. Naisip kong hindi pala ikaw ang tunay na kahulugan ng buhay…

Hindi ko mapigilan ang ulan. Marahil masyadong makitid at makipot ang aking mga palad upang sanggahan ang pagkabasa ng mundo. O ang pait. O ang pagkamatay ng aking damdamin. O ang paglalaho ng aking pagmamahal. O ang sinag ng buwan. O ang simoy ng hangin. O ang mga unos na parating pa lamang.

10 thoughts on “Unos

  1. bro ang gaganda pho ng wrtings moo!!bagay s ka2lad kong mahilig mag emote..keep up the good work..d q mapigilang humanga sa taglay mong talino,naka appreciate koh lhat sans meon ulit,,i’ll visit again if ever meon ulet

    GOD bless!!!

  2. You’re right jhoanne! Actually, Lianne ang name ko. I’m a Grade 6 pupil from Lucena. Humahanga rin po aq sa inyo. I kept on reading ur articles. Feature writer po kasi aq. Papunta na nga po aq sa RSPC eh.🙂

    Ipagpatuloy nyo lng po ang ginagawa nyo!
    God bless po!🙂

    • Hi Lianne, thanks for the comment. I was also a feature editor before. That’s a good position in a school publication, I hope nanalo ka din sa RSPC nyo. Since 2010 pa itong comment mo, I assume na high school ka na ngayon. Sorry I wasn’t able to reply to your comment agad kasi nakalimutan ko ang password ko sa blog na ito for 3 years tapos naging busy na ako sa professional work ko. Anyway, I am hoping na you are still a member of a school publication now that you are already in high school. Hope to see more comments from you here.

  3. i fin this artcle the best!!!
    grabe eto ung nkaka capture agad sa taste ko pagdating sa pagbabasa ng Filipino Literature… your the best po hope na magkaroon ng mga article discussing corruption, discrimination atbp. na tumatalakay sa mga sakit ng lipunan.
    thumbs up po…
    by the way im currrently studying @ PUP Sta.Mesa taking up BS Information Technology :)))

      • hello po kuya renante beron, hmm now lang po ulit nakapagbukas ng e-meil hahaha thank you po kung ta-try niyo gumawa ng mga articles about what i suggested… share ko lang din po na dahil sa “UNOS” i got a 1.0 grade sa article ko super thank you po talaga… god bless !

      • Wow! Congratulations sayo Maj! I’m happy na nakatulong ang isa sa mga sanaysay na sinulat ko sa pagaaral mo. Paki-share na din sa Facebook if may time ka ha, para dumami ang fans. salamat po.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s