Ang bahaghari ay isang guni guni lamang ng tao

Kay tagal ko nang nilalakbay ang bahagharing ito. Nagpabalik balik na sa pitong kulay ngunit hindi pa rin masumpungan ang hinahanap na kayamanan. Ginugol ang buong buhay sa paglandas sa kumikinang na tulay ngunit kahit kelan ay hindi natagpuan.

Nag-aral akong lumipad upang nang sa gayo’y maabot ang kampay ng iyong bagwis. Subalit sa ulap ay may nag-aambang panganib. Na pipigil sa aking hangarin na makisabay sa iyong paglipad. Ngunit ang pangarap man na kahit kelan ay hindi na matutupad ay pipiliting abutin kahit hanggang sa ikapitong langit. Kahit makailang sumambulat ang kulog at makailang punitin ng kidlat ang kalawakan. Kahit mkailang bumuhos ang ulan at magngalit ang karagatan. Ang bahaghari’y hindi matitinag.

Sumigaw ako upang makalaya. Upang minsan pa’y ipadama ang aking kalungkutan. Upang minsan pa’y makamtan ang kapayapaan. Upang minsan pa’y mamayani ang kaunting saya na lunduyan ng pangako. Upang minsan pa’y manahimik. Ang pusong naghahanap ng kabatiran. Sa pagkalumbay na dulot ng iyong paglisan. Dati rati’y may ngiti sa bahagharing naging kanlungan.

Nakatanaw sa buwan sa ilalim ng gabing mapagimbot. Nakikiamok sa dilim na pusikit ng katahimikan. Ano’t ang simoy ng hanging amihan ay tila nangingimbulo sa saliw ng pagtangis ng batis. At ang mga matang hapis ay minsan pang nangarap ng liwanag. At ang pusong lipos ng lumbay ay minsan pang nagnais ng dahilan upang mabuhay. Dati rati’y mabilis ang pagdatal ng umaga. Ano’t ngayo’y kay bagal…

Sana’y dumating na ang umaga. Upang muling masilayan ang araw. Upang muling maisahod ang mga palad sa pagpatak ng ambon. Upang muling abangan ang paglitaw ng bahaghari. Upang muling malakbay ang tulay patungo sa iyong pagsuyo.

6 thoughts on “Ang bahaghari ay isang guni guni lamang ng tao

    • Hi Mike, sorry for this super late response, I lost my password to this blog and did not update it for 3 years. I tried to visit your link on Facebook but unfortunately, I did not see the feature you were talking about here. Anyway, I assumed it has already been deleted since that was way back 2010 pa which is very quite understandable. If not, would you please report the direct link to it so I could see how it looks like?

  1. pwede po malaman talambuhay ninyo ? kasi proj. po namain yun . napili ko po kasi yung sanaysay ninyo . dapat po kailangan ang background ninyo . tsaka sana tagalog lang po . Salamat po . godbless

    • Abbygail, pasensya ka na ngayon ko lang nakita ang comment mo. Matagal kasi akong nagpahinga sa pagsusulat dito kase mejo naging busy ako sa trabaho ko. Kelangan mo pa ba or hindi na? Kase mejo matagal na ung comment mo eh. Pero in the future, magrereply na agad ako pag may kailangan ka. Maraming salamat sa paggamit ng sanaysay ko. Sana nakatulong sa pag-aaral mo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s