Pagdaloy

Ito ang istorya ng buhay mo. Ang pasakit na dinanas mo. Inilahad sa isang laksang mga pahina ng mga personang hindi mo ninais makilala. Hindi ninais na makasama. Hindi ninais na makadaupang-palad.

Ang puso mo’y kilala sa pagiging mapagbata. Ang lahat ng hapdi ay nanatiling nakakubli sa lilim ng punong akasya na kahit kelan ma’y di matitinag ng bagyo. Ang lalim ng sugat na kahit gamutin ng pinakamabisang gamot ay hindi na nga ba maghihilom pa. Ang kakatwang mapaglaro sa isang kulang sa pagkalinga at pagmamahal. Ang halimuyak na sadyang isinabog upang kahit saglit ay maipadama sa’yo na ikaw man ay mahalaga. Ngunit ano’t tumangging sa iyo’y ipagkaloob ang isang ipinangakong bukas na sana’y naging daluyan ng iyong hininga at buhay.

Sa likod ng luha, ikaw ay sumilip. Sinikap aninagin ang makulay na mundong pilit pinalabo ng iyong mga matang pagod at hirap sa dusang kinasadlakan. Ano’t sa kabila ng matibay na pundasyon ng iyong sistema ay pilit pa ring dumaloy ang likidong sana ay hindi na lamang nilikha sapagkat mahapdi ang bawat paglalandas niyon. Hindi nga ba’t tila dahong nalagas sa sanga at ang bawat pagpatak ng luha sa iyong mga mata. Bakit kinaya? Bakit hindi bumigay? Bakit natapos?

Hindi pa nagwawakas. Hindi pa. Hindi pa nagsisimula ang kalbaryo na sinapit mo sa kamay ng mga asong ulol na sana’y hindi na nabuhay kasabay ng iyong kapanahunan.  Bukas, sa kabila ng iyong matinis na halakhak ay dadaloy muli ang luha na sana’y wag na lang sumapit. Ang bukas na sana’y ikaw na lang ang nakakaalam. Ang bukas na sana’y kaya mong pigilan. Kayang sikilin.

At ikaw na pinilit likhain ang mundong sana’y magdudulot ng karilagan ay nauwi sa masaklap na pagdaloy ng poot at paghihiganti. Ng sakit. Ng galit. Ng awa. Saan may matuwid na daan at ikaw ay aking dadalhin doon. Upang maghilom ang sakit. Upang matuto kang mabuhay muli. Upang magwakas ang pagdaloy ng luha sa nangungusap mong mga mata. Upang turuan ka na dumaloy muli kasama ng payapang batis.

10 thoughts on “Pagdaloy

  1. Ito ang kakaiba! Ito yung tinatawag na “art” in its full sense. Although malalim yung nature ng presentation ng piece, pero still hindi sya ganun kahirap unawain. Isa itong breakthrough sa larangan ng literature na Filipino. At ang nakakamangha dito ay lalaki na 22 years old ang nagsulat nito. Kudos bro! Mabuhay ka!

  2. Ang ganda sobra! Pano kaya ikaw nakakasulat ng ganitong klaseng masterpiece??? Hehe kasi curious lng ako sa galing style mo, there’s something in your writings. I think I should know you, befriend you?? hahaha!!!

  3. Hi,

    Nagsusulat din ako katulad mo ng mga kung anuman ang sumagi sa isipan ko.. tulad mo malalalim din na tagalog ang gamit ko.. natuwa ako sa mga sinusulat mo kasi may mga marami tayong mga pagkakatulad na mga salita na ginagamit. Gusto ko lang malaman kung interesado ka magsulat para sa isang magazine na tagalog. Just let me know how much do you charge per article.

    Thanks,
    Clarisse

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s