…at narinig ko ang agos

Sa lambing ng iyong pagdaloy, ako’y napukaw. Mahinang agos ng buhay sa sanga-sangang ilog ng karimlan. Lagim man ay dumatal sinikap kong sa iyo’y maipamalay. Ang saya. Ang lungkot. Ang tuwa.

Kapalit man ay pagdurusa at pighati nitong pusong sawi, bakit ni minsan hindi nagawang iwan? Hindi nagawang talikdan. Hindi ninais kalimutan.

Saan may pagasa? Saan ang ligaya? Alin ang wasto, itama ang mali. Bakit nagtatanong pa? Saan may liwanag na babalot sa kadilimang pilit kikitil ng buhay. Ng pagasa. Ng lakas. Ng agos. Bakit kahit anong pilit kelan may di lumuha itong mga matang hapis at sabik sa pagbabagong inaasam. Bakit hindi makuhang iganti ang pagkaapi ng kaluluwang nagiisa at napatda sa gitna ng laban. Bakit mayroong ako. Bakit mayroong ikaw?

Ninais kong abutin ang ulap. Ninais kong hawakan ang sumilay na liwanag sa iyong mga mata. Ninais kong lakbayin ang milyang disyerto ng kawalang-hanggan upang sa huli’y makamtan ang mapait at masaklap na katotohanang nagdurugtong sa ating mga landas. Huwag mo akong bulagin. Huwag itago ang isang damdaming hinintay ng kaytagal sa likod ng bawat pagtatampisaw sa ulan. Huwag naising maglaho ang kaunting binhi ng kinabukasan. Bakit hindi tanawin ang kalawakan. Bakit hindi na lang yakapin ang isang milyong dakilang pagpupunyagi na inalay lamang sa iyo mula pa noong kay tagal na. Bakit hindi bilangin ang mga butil ng pag-ibig na sana’y inani at pinakinabangan ng pagmamahal kahit noong nakaraang dekada pa. Alin ang nakakayurak sa pagkatao ng isang sugatang walang tahanan? Ang kalimutan ang isang pangakong hindi binigkas ngunit pinadama o ang makayang liparin ang kabilang ibayo sa pag-asang makilala ka.

Hindi raw wasto ang magpatuloy sa isang ugnayang walang patutunguhan. Subalit saan at hanggang kailan mo pipigilan ang isang bagay na itinakda ng Maykapal. Bakit patuloy kang lalaban kahit alam mong sa huli ay itatanghal kang talunan ng mga ilang hindi nauunawaan ang totoong kahulugan ng katagang sana’y ikaw na lang? Bakit walang humpay ang pagpupunyagi na sana’y makamit ang langit ng iyong pagsuyo. Bakit hindi maisigaw ang awit ng pag-ibig na sana’y sumikat at naisamusika ng lahat ng dakilang musikero. Ano’t nagbabadyang panganib pa rin ang haharapin sa kabila ng katotohanang inibig mo na rin at nagkaisa na ang mga pusong sana’y hindi na lamang nagtagpo. Bakit hindi maikampay ang bagwis ng tagumpay sa saliw ng hanging banayad.

Bakit patuloy ang pag-ulan sa dakong ang tubig ay hindi na kailangan. Bakit ang araw ay nagkukubling animo’y duwag sa bundok na hambog sa kataasan. Bakit hindi marinig ang agos ng tubig na dalisay sa batis ng pag-asa. Bakit tila tumigil na sa pag-ikot ang ating mundo? Bakit kelanma’y hindi na aagos ang ating ilog?

10 thoughts on “…at narinig ko ang agos

  1. Grabeh nakakalungkot naman tong sinulat mo Beron…hahah! How I wish kilala kita, super lalim mong mag-isip tol! Anong kinakain mo? Hahah! joke lang po. Saludo ako sa ganda ng tulanghabi mo! Teka ngayon ko lang nlaman na my literary form pala na tulanghabi. I’ve learned something today! akalain mo! peace…=)

  2. Nice work! I was moved. Sobrang nakakatuwa na may mga writers pa pala talaga of Filipino origin na engaged in writing in the real Filipino language. You can rarely hear of them here in the US. Nice thing you are unique and young. With these masterpieces, I smell success! Goodluck!

  3. Wahaha super galing naman ng writer netoh, and super tagalog to the max! Pero nakakapagisip ang mga essays moh ah, that makes you one of my favorite Filipino writers and bloggers na starting today! And ang cute ng eyes moh! Hehehe…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s