Dilim ay muling dumatal. Inakay ng takip-silim na sabik sa pagbalot ng liwanag na pilit bubuhayin ng takot. Sa mundong ang palahaw ng nalulumbay ay hindi kelan man maririnig. Hindi kelan man mapapansin. Hindi kelan man susubukang pawiin ng ngiting hanggang ngayon ay nais masilayan mula sa iyong mga labi.
Nais kong sabihin sa iyo na ako’y naninimdim. Naninimdim sapagkat ang karampot na pagsintang natagpuan ay tuluyan ng nilamon ng ganid na pagkakataon. Nais kong tanggapin na ang buhay ay isang laro lamang, isang pandarayang walang katapusan, isang sirkus na walang patutunguhan, isang paghahangad na walang katuparan.
Bakit ka dumating? Bakit inakit ang pusong lagi na’y duhagi ng takot at pangamba. Bakit inalipin ang damdaming sana ngayon ay tahimik na nahihimlay sa saliw ng musika ng pag-iisa. Bakit pinukaw ang kaluluwang matagal nang hindi marunong makadama ng pagtatangi sa isang katulad mong isang panandaliang aliw lamang.
Saan ako tutungo? Nagtatanong ang isip sa mga pangyayaring kayang kaya ko sanang kontrolin at hawakan sa aking mga kamay subalit naigupo ng iyong malambing na ngiti. Saan may lunas sa mga pusong naninimdim at nagdurusa ng dahil sa nasayang na pagibig. Saan may siwang na maaari kong silipin upang makalanghap ng sariwang hangin ng pagbangon. Saan may lugar na naroon ka?
Ito ang kinasadlakan nitong pusong tanga at umaasa. Sana’y umiwas na noon pa sa kabalintunaan ng iyong pagtatampisaw sa batis ng aking hacienda. Hindi na sana nagising ang ulirat ng nahihimbing kong daigdig. Hindi na sana nasaktan ng iyong pagdating at pagalis din. Hindi na sana lumuluha…ngayon!
Hahaha! Nakakatawa ang pusong pilit tinatanggihan ang pagtanggap sa isang totoong kabiguan. Nakakaawa ang pusong pilit ipinaglalaban ang isang katotohanang lipos ng kasinungalingan. Nakakatawa ang damdaming sawi sapagkat sa huli’y magigising siya sa katotohanang pinilit niyang huwag maranasan. Subalit dahil kapalaran lamang ang magtatakda ng totoong bukas ng bawat isa, ikaw at ako ay magiging masayang alaala na lamang ng mga makukulay na araw at sandali noong nakaraang dekada. At sa paglipas ng panahon, pipilitin kong itunghay ang aking mukha upang makita na sa dako pa roon ay may nalalabi pang dahilan upang magpatuloy…
Waahhh!!! The best!!!
Bonjour! Je m´appelle Lee James. I am studying in Canada and also a Filipino. Comment allez-vous? Can I be your friend? You’re so nice…I like your writings…
i love it…keep in writing such things…
Hi Harold, thanks. I’ll try to write more if I have time. Sorry for the late reply. Forgot my password on this blog.
Mabuhay ka kaibigan. Makapagyarihan ang iyong sining.
Hahaha salamat Lance, ngayon ko lang nabuksan tong blog ko after 3 years. Nakalimutan ko kase ang password. Kumusta na?
galing.. makata..
)
Salamat Roxanne. Thanks dahil naappreciate nyo. Nakakataba ng puso. Pa like naman po ng page sa Facebook. Thanks po.
how cute…
where did u get ur inspiration????
can I make a request from u??
Thank you. I got my inspiration from my previous heartaches and relationships po. Sure, what is your request po?